Super imports
Coming soon: No height limit para sa PBA imports.
Welcome idea. Good idea. Dapat nga, dati pa.
Kung walang limit, it means kahit si Kareem Abdul-Jabbar pwede na maglaro sa PBA kung height ang pag-uusapan at dehins age dahil 77 na si Mr. Skyhook.
Sabi ni commissioner Willie Marcial, isa sa last two conferences this season ang magpapatupad nito – either Commissioner’s Cup of Governors’ Cup.
May excitement sa balita dahil makakalaro si Dwight Howard, ang dating NBA superstar, sa PBA. Masusunod ang kanyang kahilingan.
Naglaro si Howard para sa Philippine team na Strong Group Athletics sa isang international tournament at nagsabing gusto niya maglaro sa PBA.
Kaso, 6’10” si Howard. Pati si Andray Blatche, ang 6’11” na Gilas player, gusto din. Ang huling higante sa PBA ay si PJ Ramos ng Kia noong 2015 dahil ginamit na handicap ara sa kulelat na teams.
Ngayon, pwede na sila lahat.
Ang hindi ko alam ay kung kakapit pa din ang Ginebra kay Justin Brownlee na 6‘6“ lang. It’s up to them.
Pero huwag lang sana palakihan ang maging labanan kundi pagalingan din. Sana may lumabas na bagong Billy Ray Bates. In short, pwera banban.
With super imports, patok na naman ang PBA.
- Latest