Nisperos thankful kay De Guzman

MANILA, Philippines — Isa lamang si Faith Nisperos sa mga Alas Pilipinas players na lumakas ang kumpiyansa dahil kay veteran setter Jia De Guzman sa 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Women.

Sa 25-16, 25-13, 25-15 demolisyon sa Iran para sa 3-0 kartada ay si Nisperos ang pumalo sa huling dalawang puntos ng laro mula sa excellent sets ni De Guzman.

“It is definitely a one-time experience na nakasama ko si ate Jia inside the court and her calling me was malaking bagay for me kasi talagang ipinakita na may tiwala siya sa akin,” sabi ng dating Ateneo Lady Eagle.

“If may tiwala siya sa akin, siyempre ako din dapat mag-tiwala sa sarili ko,” dagdag ng 24-anyos na si Nisperos sa 29-anyos na si De Guzman.

Nagtala naman si Nisperos ng siyam na puntos sa 25-13, 25-21, 25-15 pagligpit ng mga Pinay spikers sa Chinese-Taipei para walisin ang Pool A diretso sa crossover semifinals ngayong gabi.

“Talagang boost na boost ako because of my teammates, my coaches, and, of course, all of the supporters here,” wika ng outside hitter ng Akari Chargers sa PVL.

Kumpiyansa ang tubong Davao City na madadala niya ang kanyang kumpiyansa sa pagsagupa sa Kazakhstan sa semis.

“I wanna to maximize every chance I can get and get all the experience I can get and ipakita ‘yung skills ko every chance I can get,” ani Nisperos. 

Show comments