MANILA, Philippines — Maglalaro si Kiefer Ravena para sa Strong Group Athletics na sasabak sa darating na 43rd William Jones Cup na gaganapin sa Taiwan.
Sariwa pa si Ravena sa pagtulong sa Shiga upang makuha ang kampeonato sa Japan B.League Division II.
“I’m really excited to be part of the Strong Group and play in the Jones Cup,” wika ni Ravena.
Matapos nito, agad na bumalik sa Pilipinas si Ravena para naman makasama ang Strong Group sa Jones Cup na tatakbo mula Hulyo 13 hanggang 21 sa Taipei.
“It’s a great opportunity for me to showcase my skills in front of our kababayans again and contribute to the team’s success. Siyempre, gusto ko talaga maging part ng team na ito at sana makabawi kami from the heartbreak we experienced in Dubai,” dagdag ni Ravena.
Nais ni Ravena na makabawi ang Strong Group matapos itong magkasya sa runner-up finish sa 2024 Dubai International Basketball Championship.
“This is a chance for redemption, and I’m looking forward to giving my best effort for the fans and for our country,” ani Ravena.