^

PSN Palaro

India hinataw ang Chinese Taipei

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
India hinataw ang Chinese Taipei
Iniskoran ni Nguyen Thi Bich Tuyen ng Vietnam sina Natalie Lie at Jolis Aw ng Singapore sa AVC Challenge Cup.
Kuha ni Russel Palma

MANILA, Philippines — Hinataw ng India ang ikalawang sunod na pa­nalo sa 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Women matapos gibain ang Chinese-Taipei, 25-19, 25-13, 25-16, kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Pumalo si middle blocker Soorya Soorya ng 15 points mula sa pitong attacks at walong blocks para sa 2-0 record ng India sa Pool A.

“I’m feeling very happy that we won, and we are hoping that we can get more wins,” ani Soorya sa torneong inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara.

Tinapos ng India ang laro sa loob ng isang oras at 20 minuto para ihulog ang mga Taiwaneses sa ikalawang dikit na talo sa event na suportado ng Meralco, PLDT, Smart, Akari, AyalaLand, Nuvali, Foton, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Mikasa, Senoh, Asics, Maynilad, Makati Shangri-La, Rebisco, Cignal, OneSports, OneSports+ at Pilipinas Live.

Samantala, dinaig ng Hong Kong ang Indonesia, 25-22, 26-24, 25-18, para sa kanilang 1-1 baraha sa Pool B.

Sa ikatlong laro, winalis ng nagdedepensang Vietnam ang Singapore, 25-8, 29-27, 25-10.

ASIAN VOLLEYBALL CONFEDERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with