Timberwolves pinuwersa ang Nuggets sa Game 7
MINNEAPOLIS, Philippines — Umiskor si Anthony Edwards ng 27 points para giyahan ang Minnesota Timberwolves sa 115-70 paglampaso sa nagdedepensang Denver Nuggets sa Game Six para itabla sa 3-3 ang kanilang Western Conference best-of-seven semifinals series.
Itinala ng Timberwolves ang largest winning margin sa isang postseason game sapul noong 2015 nang tambakan ng Chicago Bulls ang Milwaukee Bucks ng 54 points sa isang first-round series clincher.
“We talked a lot today just about getting our edge back, our swagger, playing a little more free and easy,” sabi ni coach Chris Finch. “It just felt like we hadn’t had our best effort on both sides of the ball yet.”
Nagdagdag si Jaden McDaniels ng 21 points, habang humakot sina big men Rudy Gobert, Karl-Anthony Towns at Naz Reid ng pinagsamang 38 rebounds.
Nalimitahan si NBA MVP Nikola Jokic sa 22 points sa panig ng Nuggets at may 10 markers si Jamal Murray mula sa masamang 4-for-18 field goal shooting.
“Speaking from experience,” wika ni Murray. “Game 6 is always the hardest.”
Kinuha ng Denver ang 8-2 abante sa first period bago humataw ang Minnesota para agawin ang 31-14 kalamangan sa pagtatapos ng nasabing yugto.
Ang tip in ni McDaniels bago ang halftime buzzer ang naglayo sa Timberwolves sa 59-40 hanggang tuluyan nang tambakan ng 50 points ang Nuggets sa second half.
“That to me speaks volumes about the game and our approach,” wika ni Denver coach Mike Malone.
Nauna nang kinuha ng Minnesota ang 2-0 lead sa kanilang serye.
May 12 points si Aaron Gordon para sa Nuggetsna nagtala ng 7-for-36 clip sa three-point range
Magtutuos ang Minnesota at Denver sa Game Seven bukas kung saan ang mananalo ang lalaban sa mananaig sa semifinals duel ng Dallas Mavericks at Oklahoma City Thunder.
Angat ang Mavericks sa Thunder sa serye, 3-2.
- Latest