Sisi papalo sa AVC Challenge Cup

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni outside hitter Sisi Rondina na maglalaro ito sa 2024 AVC Challenge Cup for Women sa Mayo 22 hanggang 29 na idaraos sa Rizal Memorial Coliseum.

Malaking karangalan para kay Rondina na ma­ging bahagi ng national team at isa ito sa kanyang pangarap na matutupad na.

Hindi naman na bago si Rondina na katawanin ang bansa sa international competitions dahil nakatanso na ito sa beach volleyball sa mga nakalipas na Southeast Asian Games. Subalit iba ang indoor volleyball.

“Alam n’yo pangarap ko dati talaga – to play indoor sa bansa natin, kaso lang I stopped dreaming of it kasi sa mga commitments ko dati sa beach and sa ibang liga,” ani Rondina.

Kaya naman lubos ang kasiyahan nito nang ma­pasama ito sa national pool na sasabak sa AVC Challenge Cup.

Sariwa pa si Rondina sa silver-medal finish sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence kasama ang Choco Mucho Flying TItans.

Isa sa makakasama ni Rondina sa AVC Challenge Cup si veteran playmaker Jia Morado na naglaro naman para sa Denso sa Japan V.League.

Show comments