Crossovers nakabawi

agdiwang si Eya Laure ng Chery Tiggo matapos umiskor sa Petro Gazz sa Game 2 ng bronze medal game.

MANILA, Philippines — Ginantihan ng Chery Tiggo ang Petro Gazz, 16-25, 11-25, 25-13, 25-22, 18-16, sa Game Two ng kanilang bronze medal series sa 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bumanat si Eya Laure ng 26 points mula sa 24 attacks at dalawang blocks para sa pagbangon ng Crossovers mula sa naunang 25-22, 25-12, 18-25, 29-27, 12-15 kabiguan sa Gazz Angels sa Game Two ng kanilang best-of-three series.

“Ang mindset ay ilabas kung ano iyong pinagtrabahuhan namin at magbigay ng podium finish sa Chery Tiggo,” sabi ng 25-anyos na si Laure.

Ngunit mababalewala ang panalo ng Chery Tiggo kung mawawalis ng nagde­depensang Creamline ang Choco Mucho sa sarili ni­lang title series sa Game Two kagabi.

May superior points ratio kasi ang Gazz Angles laban sa Crossovers sa pagkakatabla sa kanilang serye.

Dahil dito ay ibibigay sa Petro Gazz ang bronze medal at hindi na maitatakda ang kanilang ‘sudden death’ ng Chery Tiggo.

Magkakaroon ng ‘do-or-die’ ang Crossovers at Gazz Angels kung makaka­tabla ang Flying Titans sa Cool Smashers.

Nagdagdag si Mylene Paat ng 15 points para sa Chery Tiggo, habang may 10 markers si Shaya Adorador.

Kumamada si Fil-Am Brooke Van Sickle ng 30 points para sa Gazz Angels at may 18 at tig-19 mar­kers sina Jonah Sabete, Fil-Am MJ Philips at Aiza Maizo-Pontillas, ayon sa pagkakasunod.

Matapos magtabla sa fourth set, 2-2, ay kinuha ng Petro Gazz ang 14-12 abante sa fifth frame.

Ang hataw ni Jasmine Nabor ang nagbigay sa Chery Tiggo ng 16-15 bentahe.

Show comments