Carlos aakayin ang Cool Smashers sa PVL finals

MANILA, Philippines —  Aminado ang buong Creamline team na matin­ding pagsubok ang pagda­raanan nito bago makapasok sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Nasa must-win situa­tion ang Cool Smashers kontra sa Chery Tiggo para maipormalisa ang pag­ko­po sa return ticket sa best-of-three championship showdown.

Extra motivated ang Cool Smashers dahil nais nitong makaresbak sa Crossovers na isa sa tu­malo sa kanila sa eliminas­yon.

“I’m sure yung bawa’t isa sa amin, gusto ring ma­kabawi, and we’ll make sure na may natutunan ka­mi doon sa loss namin doon sa eliminations,” ani opposite spiker Tots Carlos.

May 1-1 marka ang Cool Smashers sa round-robin semis.

Wala si Carlos nang lu­masap ang Cool Sma­shers ng 25-13, 25-19, 21-25, 20-25, 16-18 kabiguan sa ka­may ng Choco Mucho Flying Titans sa opening day ng semis.

Sumabak si Carlos sa Korean V-League Asian Quota Draft tryout sa Jeju Island sa South Korea.

Hindi nakuha si Carlos kaya’t agad itong bumalik sa aksiyon.

At hindi naman binigo ni Carlos ang Cool Sma­shers dahil naglatag ito ng solidong laro para tulu­ngan ang kanilang tropa na ma­kuha ang 27-25, 23-25, 27-25, 26-24 panalo sa Petro Gazz Angels.

Malaki ang pasasalamat ni Carlos sa suporta at tiwala na ibinigay sa kaniya ng pamunuan ng Cool Sma­shers.

Show comments