MANILA, Philippines — Umuusad na ang naturalization process ni San Miguel import Bennie Boatwright para maipormalisa ang pagiging miyembro nito ng Gilas Pilipinas.
Isinulong na ni Sen. Sonny Angara — ang chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) — ang Senate Bill No. 2646 na magbibigay daan para sa Filipino citizenship ni Boatwright.
Ipapasa naman ni Antipolo City Congressman Robbie Puno na vice chairman ng SBP sa Kongreso ang parehong bill para mas mapabilis ang proseso.
Naniniwala si Angara na malaking tulong ang pagpasok ni Boatwright sa Gilas Pilipinas.
“Boatwright will be a very strong addition to the Gilas Pilipinas squad and will make us even more competitive in international tournaments including the Asian Games, World Cup and even the Olympics,” ani Angara.
Nauna nang nagkasundo sina Boatwright at SBP president Al Panlilio.
Tiwala si Panlilio na pasok si Boatwright sa sistema ng Gilas Pilipinas.
Sanay na si Boatwright sa estilo ng laro ng mga Pinoy cagers.