^

PSN Palaro

International Canoe Federation Dragon Boat World Championship kasado na sa Puerto Princesa

Philstar.com
International Canoe Federation Dragon Boat World Championship kasado na sa Puerto Princesa
Sina Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) President Leonora ‘Len’ Escollante, Sepak Takraw Federation Coach Ronsited Gabayeron at player na sina Ken Interno, Mark Kian Jake Fuentez.

MANILA, Philippines – Asahan na ang pagdagsa ng mga matitikas na dragon boat players sa mundo sa paglarga ng International Canoe Federation Dragon Boat World Championship sa Puerto Princesa, Palawan.

Ang naturang kompetisyon ay idaraos sa bansa sa kauna-unahang pagkakataon sa tulong ng Philippine Canpeo-Kayak and Dragon Boat Federation.

Tinatayang mahigit sa 3,000 mananagwan, coaches at opisyal mula sa 40 bansa ang dadayo sa Puerto Princesa para sa prestihiyosong torneo na nakatakda sa Oktubre 28 hanggang Nobyembre 4. 

“Several European countries like Russia, Slovenia, Poland and Germany (with 190 athletes) are already confirmed their participation. It’s a big challenge for us, but with the help of the Philippine Sports Commission and the City of Puerto Princesa led by Mayor Lucio Rodriguez Bayron, we’re 100% ready to host the event,” pahayag ni Philippine Canoe-Kayak and Dragon Boat Federation (PCKDF) president Leonora ‘Len’ Escollante sa Tabloids Organization in Philippine Sports Inc. (TOPS) “Usapang Sports”. 

Iginiit ni Escollante na mismong si Mayor Bayron ang mangunguna sa binuong local organizing committee ng lungsod upang masiguro ang tagumpay ng hosting — pinakamalaking international tournament na magaganap sa lungsod. 

Kabuuang 58 events ang paglabanan sa torneo para sa juniors, mixed, open and masters. 

Bukod sa regular na Philippine Team, kakatawanin din ang bansa ng mga kompetitibong koponan tulad ng Siargao at Cebu na ayon kay Escollante ay pawang mga kampeon sa masters event ng PCKDF. 

“Bilang pampagana and also to drumbeat the world tournament, magsasagawa muna kami ng Club competitions two weeks before the meet kaya inaanyayahan namin ang mga club teams na sumali dito. This is also part of our talent search program,” sambit ni Escollante sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Target ng bansa na makamit ang overall championships hindi man matumbasan ang anim na gintong medalyang napagwagian noong 2018 edition na ginanap sa Atlanta, Georgia. 

“Hindi kasi tayo nakasali noong 2022 edition kaya ngayon natin puwedeng malagpasan yung gold medal haul noong 2018 and hopefully makuha natin ang overall championships,” aniya. 

Ikinalugod din ni Escollante ang suportang ipinara-ting ng Malacañang para sa ikatatagumpay ng torneo. 

“Nainformed na po kami ng Malacañang para sa iskedyul na makausap ang Pangulong Marcos. Malaking bagay po ito para sa sports at hosting,” ayon kay Escollante. 

Bago ang World tilt, nakahanay para lahukan ng Philippine Team ang China Open Championship sa Shanghai sa Hunyo 2, gayundin sa International Open meet sa Russia sa Hunyo 14.

DRAGON BOAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with