Pacers sinuwag ng Bucks

Isinalya ni Bucks forward Bobby Portis si Pascal Siakam ng Pacers sa agawan sa loose ball sa Game 5.
STAR/File

MILWAUKEE — Kumamada sina Bobby Portis at Khris Middleton ng tig-29 points para igiya ang Bucks sa 115-92 pagresbak sa Indiana Pacers sa Game Five at makalapit sa 2-3 agwat sa kanilang E­astern Conference first-round playoff series.

Nakaiwas ang Milwaukee, naglalaro na wala sina injured stars Giannis Antetokounmpo at Damian Lillard, sa pagsibak sa kanila ng Indiana.

Umiskor si Malik Beasley ng 18 points at nagtala si Pat Beverley ng 13 points at 12 assists para sa Milwaukee na nagsimulang makalayo sa second period patungo sa kanilang panalo.

Pinamunuan ni Tyrese Haliburton ang Indiana sa kanyang 16 points.

Sa New York, humataw si Tyrese Maxey ng 46 points sa 112-106 overtime victory ng Philadelphia 76ers sa Knicks sa Game Five at makadikit sa 2-3 deficit sa kanilang E­astern Conference first-round playoff series.

Sa Cleveland, blinangka ni Evan Mobley ang layup ni Franz Wagner sa huling dalawang segundo sa 104-103 paglusot ng Cavaliers sa Orlando Ma­gic sa Game Five at kunin ang 3-2 lead sa kanilang Eastern Conference series.

Show comments