^

PSN Palaro

Lapiz inialay ang panalo sa ina

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Lapiz inialay ang panalo sa ina
Sina 2024 Milo National Marathon Manila Leg win- ners Florendo Lapiz at Lizane Abella.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Ang makatulong sa pag­papatayo ng bahay ng kanyang nanay sa Cebu City ang naging motivation ni Florendo Lapiz para pagharian ang men’s 42-kilometer division ng 2024 Milo National Marathon Manila Leg kahapon sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.

Nagsumite ang tubong Carcar, Cebu ng tiyempong 2:42:33 para angkinin ang una niyang Milo National Marathon leg title.

“Gagamitin ko po iyong premyo ko sa ipinapata­yong bahay ng nanay ko na hindi pa tapos,” sabi ng 33-anyos na si Lapiz na nagtabi rin para sa kanyang sarili. “Bibili din ako ng bagong sapatos kasi luma na itong ginagamit ko eh.”

Inungusan ni Lapiz sa pagtawid sa finish line sina Salvador Polillo (2:49:54) at Wilfred Esporma (2:58:51).

Ito ang unang pagkaka­taon na tumakbo ang Cebuano sa Manila at inamin niyang hindi siya pamilyar sa race route.

“Parang nawala pa nga ako sa ruta, mabuti na lang may nasabayan akong (race) marshall, kaya naka­balik ako sa ruta Hindi ko kasi kabisado dito sa Manila,” ani Lapiz.

Malaki rin ang epekto sa kanyang isinumiteng oras ang mataas na heat index.

“Sobrang init dito hindi kagaya sa Cebu. Kaya mababa iyong time ko dito (Manila Leg) kumpara sa best time ko na 2:31:00,” ani Lapiz.

Wagi rin ang Cebuana runner na si Lizane Abella sa women’s 42K sa kanyang inilistang 3:21:05 kasunod sina 2023 winner Maricar Camacho (3:26:19) at Jewel De Luna (3:27:05).

Dahil sa kanilang pa­nalo sa Manila Leg ay swak na sina Lapiz at Abella sa Milo National Marathon Finals sa Disyembre 1 sa Cagayan De Oro.

Samantala, nagdomina sina 2019 Southeast Asian Games gold me­dalist Christine Hallasgo (1:24:27) at Richard Salano (1:08:38) sa women’s at men’s 21K event.

FLORENDO LAPIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with