Lumba Tamo race pakakawalan ni Gov. Ebdane

Gov. Hermogenes Ebdane
STAR/File

MANILA, Philippines — Masayang tinanggap ni Gov. Hermogenes Ebdane ang mga elite at papasikat na riders para sa second edi­tion ng Lumba Tamo Zambales 2024.

Nakatakda ang nasa­bing karera sa Mayo 7 na isa sa mga highlights ng world-famous celebration ng Dinamulag Mango Festival 2024.

“Cycling tourism is gro­wing increasingly popular, not only in Zambales pro­vince, but throughout the country,” sabi ni Ebdane. “And, through our ingenuity, we have combined cycling and trail tourism and along this line, I welcome all the athletes taking part in the Lumba.”

Humigit-kumulang sa 500 riders sa Elite, Junior at Youth categories ang pa­padyak sa 150-km road race na dadaan sa out-and-back course ng Zambales Sports Complex para sa me­dalya at cash prizes.

Kasama ang Zambales sa Philippine sporting map matapos maging venue para sa cycling, triathlon, off-road races at pati mga multi-sport competitions kagaya ng regional athletic meets sa nakalipas na 15 taon.

Ang Lumba Tamo (ka­rera tayo o let’s race) ay may basbas ng PhilCycling bilang isa sa kanilang mga ranking races para sa natio­nal championships.

Ang karera ay inorga­nisa ng Provincial Govern­ment of Zambales sa pa­mamagitan ng Zambales Youth and Development Office na pinamumunuan ni Eric Maribag.

Magsisimula ang Di­namulag Mango Festival 2024 sa Mayo 2 at mag­tatapos sa Mayo 11 tampok ang mga serye ng araw-araw na kasiyahan at aktibidad.

Show comments