Lumba Tamo race pakakawalan ni Gov. Ebdane
MANILA, Philippines — Masayang tinanggap ni Gov. Hermogenes Ebdane ang mga elite at papasikat na riders para sa second edition ng Lumba Tamo Zambales 2024.
Nakatakda ang nasabing karera sa Mayo 7 na isa sa mga highlights ng world-famous celebration ng Dinamulag Mango Festival 2024.
“Cycling tourism is growing increasingly popular, not only in Zambales province, but throughout the country,” sabi ni Ebdane. “And, through our ingenuity, we have combined cycling and trail tourism and along this line, I welcome all the athletes taking part in the Lumba.”
Humigit-kumulang sa 500 riders sa Elite, Junior at Youth categories ang papadyak sa 150-km road race na dadaan sa out-and-back course ng Zambales Sports Complex para sa medalya at cash prizes.
Kasama ang Zambales sa Philippine sporting map matapos maging venue para sa cycling, triathlon, off-road races at pati mga multi-sport competitions kagaya ng regional athletic meets sa nakalipas na 15 taon.
Ang Lumba Tamo (karera tayo o let’s race) ay may basbas ng PhilCycling bilang isa sa kanilang mga ranking races para sa national championships.
Ang karera ay inorganisa ng Provincial Government of Zambales sa pamamagitan ng Zambales Youth and Development Office na pinamumunuan ni Eric Maribag.
Magsisimula ang Dinamulag Mango Festival 2024 sa Mayo 2 at magtatapos sa Mayo 11 tampok ang mga serye ng araw-araw na kasiyahan at aktibidad.
- Latest