MANILA, Philippines — Nagpabugbog muna ang San Miguel sa first half bago resbakan ang Converge, 112-103, sa Season 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Bumangon ang Beermen mula sa isang 12-point deficit sa second period para iposte ang matayog na 6-0 record.
Lagapak naman ang FiberXers sa 0-8.
Tumipa si CJ Perez ng 25 points, 10 rebounds at 3 assists sa pagbandera sa San Miguel, habang may tig-19 at 18 markers sina Marcio Lassiter, Don Trollano at Terrence Romeo, ayon sa pagkakasunod.
Kumalawit si seven-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 14 points, 17 boards at 4 blocks.
Nabalewala ang career-high 36 markers ni guard Alec Stockton para sa Converge.
Itinala ng FiberXers ang 34-22 bentahe mula sa dalawang free throws ni Stockton sa pagbubukas ng second quarter patungo sa 50-43 halftime lead.
Pagdating sa third period ay nagsalpak si Lassiter ng limang three-point shots, ang huli ay nagbigay sa Beermen ng 69-58 abante sa 6:28 minuto nito.
Ipinoste ng SMB ang 25-point lead, 93-68, matapos ang triple ni 6-foot-8 Mo Tautuaa sa huling 33 segundo.