La Salle, CEU kinuha ang semis spot sa PBA D-League Aspirants’ Cup

MANILA, Philippines — Inangkin ng nagdedepensang EcoOil-La Salle at Centro Escolar University ang dalawang outright semifinals berth ng 2024 PBA D-League Aspirants’ Cup.

Pinadapa ng Green Archers ang Marinerong Pilipino-San Beda Red Lions, 82-71, kamakalawa ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tinalo naman ng Scorpions ang CCI-Yengskivel, 96-78, para ibulsa ang ikalawang outright semis spot.

Kinumpleto ng EcoOil-La Salle ang five-game sweep sa six-team, single round classification phase para angkinin ang top seeding.

“The first thing we told our players heading into this game was we have to respect San Beda. They’re not the NCAA champions for nothing and they’re coming off a tough loss against CEU so we expected a physical battle,” ani Green Archers assistant coach Gian Nazario.

Tinapos naman ng Scorpions ang eliminasyon sa 4-1.

Laglag ang Red Lions (3-2) sa quarterfinals kung saan sila hahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa Keanzel Basketball (1-4).

May bonus ding bitbit ang Go Torakku-St. Clare (2-3) kontra sa CCI-Yengskivel (1-4).

Didribol ang quarterfinals sa Lunes.

Show comments