^

PSN Palaro

Lady Tams may tsansa sa Top 2

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kahit swak na sa Final Four ay nais pa rin ng Far Eastern University na sik­wa­tin ang panalo kontra sa University of the Philippines sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nasa pang-apat sa team standings ang Lady Ta­maraws tangan ang 8-4 record, malaki pa ang tsansa nila sa top two pag­ka­tapos ng 14-game elimination round.

Ito ay dahil may 10-2 kar­ta ang magkasalo sa No. 1 sa team standings na defending champions De La Salle University Lady Spikers, 2023 runner-up Na­tional University Lady Bulldogs at University of Santo Tomas Golden Tigresses.

Mabibiyayaan ng ‘twice-to-beat’ incentive ang uupo sa Nos. 1 at 2 sa Final Four.

Sasandalan ng FEU sina Faida Bakanke, Chenie Tagaod, Gerzel Mary Petallo at Jean Asis para harapin ang UP.

Magsisimula ang paluan ng Lady Tamaraws at La­dy Ma­roons ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang bak­bakan ng Lady Bulldogs at Lady Falcons sa alas-4 ng hapon.

Sina Irah Anika Jabone­ta, Nina Ytang, Joan Marie Monares at Stephanie Bustrillo ang aasahan ng Lady Ma­roons.

GOLDEN TIGRESSES

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with