La Salle-Zobel, Canossa Academy-Lipa nakahabol

MANILA, Philippines — Ibinulsa ng La Salle-Zobel at Canossa Aca­demy-Li­pa ang huling quar­terfinal berths sa pagtatapos ng 2024 Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship elimination rounds kahapon sa Rizal Me­morial Coliseum sa Malate, Manila.

Humataw ang La Salle-Zobel ng 25-20, 22-25, 25-19 panalo laban sa Maryhill College Lucena (1-4), habang naglista ang Canossa Academy ng 25-21, 23-25, 25-20 tagumpay kontra sa Parañaque City (0-5).

Tumapos ang La Salle-Zobel sa 2-3 record para sa No. 4 seed sa Pool A.

May 2-3 baraha rin ang Canossa Academy para sa parehong posisyon sa Pool B ng girls’ division.

Nasambot ng Canossa Academy ang huling tiket sa quarterfinals matapos si­­bakin ng La Salle-Lipa ang Colegio de Los Baños (1-4) mula sa 25-5, 25-10 pa­nalo.

Nagbitbit ang La Salle-Lipa ng 4-1 marka para sa No. 2 seed sa Pool B sa li­kod ng No. 1 National University (5-0).

Umupo ang San Juan Institute of Technology-Ba­tangas (3-2) sa No. 3.

Sa Pool A, sumama ang La Salle-Zobel sa University of Santo Tomas (5-0), Kings’ Montessori School (4-1) at Gracel Christian College (3-2) sa quarterfinals.

Show comments