Phoenix pinigilan ang pagbulusok

Diniskaril nina Richie Rivero at Jason Perkins ng Phoenix Fuel Masters ang layup ni center Justin Arana ng Converge FiberXers.
PBA Image

MANILA, Philippines — Pinigilan ng Phoenix ang kanilang pagbulusok ma­tapos patumbahin ang Con­verge, 113-107, sa Season 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Humakot si Jason Per­kins ng 26 points, 13 rebounds at 4 assists para ta­pusin ang two-game lo­sing skid ng Fuel Masters at itayo ang 2-4 baraha.

Bagsak ang FiberXers sa 0-7 marka.

Sinandigan ng Phoenix sa fourth quarter si Ken Tuffin na kumamada ng si­yam na puntos para sa ka­nilang 111-100 bentahe sa huling 2:42 minuto matapos dumikit ang Converge sa 98-101.

Ang basket ni Javee Mo­con sa nalalabing 1:08 mi­nuto ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Fuel Masters.

Tinapos ni Tuffin ang la­ro bitbit ang 16 points, 10 boards, 3 steals at 2 assists, habang may tig-11 markers sina Mocon at Matthew Daves.

Humakot si Justin Arana ng 32 points sa panig ng FiberXers at may 31 markers si Alec Stockton.

Samantala, magtutuos ang Rain or Shine (3-4) at Terrafirma (4-4) nga­yong alas-3 ng hapon sa Caloocan Sports Complex sa Caloocan City at magta­tagpo naman ang NLEX (5-1) at TNT Tropang Giga (3-3) sa alas-6:15 ng gabi Candon, Ilocos Sur sa mag­kahiwalay na venue.

Show comments