‘Splash Brothers’ bumida sa Warriors

HOUSTON — Nagpa­ka­wala sina ‘Splash Bro­thers’ Stephen Curry at Klay Thompson ng tig-29 points para gabayan ang Golden State Warriors sa 133-110 pagpapasabog sa Rockets.

Ito ang ikaanim na su­nod na arangkada ng Gol­den State (42-34) para umu­po sa 10th place sa Wes­tern Conference.

Nagsalpak si Curry ng dalawang three-point shots, habang pito ang ipi­nasok ni Thompson.

Humakot si rookie center Trayce Jackson-Davis ng career-high 20 points, 5 rebounds at 4 assists at may 10 markers si Andrew Wiggins na nagkaroon ng ankle injury sa fourth period at hindi na nakabalik.

Umiskor si Jabari Smith Jr. ng 24 points para pamu­nuan ang Houston (38-38) na nalaglag sa ikatlong di­kit na kabiguan matapos mag­poste ng 11-game winning streak.

Ito ang ikatlong sunod na pagakkataon na tinalo ng Warriors ang Rockets nga­yong season para sa ka­buuang 13-0 sa regular-season games.

Sa Los Angeles, humataw si Paul George ng 28 points at may 20 markers si James Harden para sa 102-100 pagtakas ng Clippers (48-28) sa nagdede­pen­sang Denver Nuggets 102-100.

Sa Dallas, tumipa si Lu­ka Doncic ng 25 points para tulungan ang Mavericks (46-30) sa 109-95 pagpu­lutan sa Atlanta Hawks (36-41).

Sa Miami, kumamada si Tyrese Maxey ng 37 points, habang may 29 mar­kers si Joel Embiid sa 109-105 pagpapalamig ng Phi­ladelphia 76ers (42-35) sa Heat (42-34).

Sa New York, nagsu­mite si Jalen Brunson ng 35 points at 11 assists, habang nagtala si Josh Hart ng season-high 31 points sa 120-109 pagpapatumba ng Knicks (45-31) sa Sacramento Kings (44-32).

Show comments