Raptors tambak sa T-Wolves

Anthony Edwards of the Minnesota Timberwolves brings the ball down the court against the Denver Nuggets in the first quarter during Round 1 Game 5 of the NBA Playoffs at the Ball Arena on April 25, 2023 in Denver, Colorado.
Matthew Stockman / Getty Images / AFP

MINNEAPOLIS — Bumanat si Anthony Edwards ng 28 points at may 23 markers si Naz Reid para sa 133-85 paglampaso ng Minnesota Timberwolves sa Toronto Raptors.

Kumolekta si Rudy Gobert ng 11 points at 15 rebounds para sa pagtabla ng Timberwolves (53-23) sa nagdedepensang Denver Nuggets sa first place sa Western Conference.

Umiskor sina Immanuel Quickley, Gradey Dick at Javon Freeman-Liberty ng tig-16 points para sa ika-15 dikit na kamalasan ng Raptors (23-52) na naglaro na wala sina Gary Trent Jr. (back spasms), Bruce Brown (knee), RJ Barrett (knee) at Kelly Olynyk (knee).

Kinuha ng Minnesota ang 58-42 halftime lead na kanilang pinalaki sa 91-60 sa pagtiklop ng third quarter na hindi na naputol ng Toronto.

Sa Washington, nagposte si Anthony Davis ng 35 points at 18 rebounds sa 125-120 pagtakas ng Los Angeles Lakers (44-33) sa Wizards (15-62).

Sa Boston, humakot si Kristaps Porzingis ng 27 points, 12 rebounds at 5 blocks sa 135-100 pagdomina ng Celtics (60-16) sa Oklahoma City Thunder (52-24).

Sa Phoenix, nagpa­putok si Devin Booker ng 40 points habang may 32 markers si Kevin Durant sa 122-101 pagsunog ng Suns (45-31) sa Cleveland Cavaliers (46-31).

Show comments