^

PSN Palaro

Sinimulan na ang naturalization process ni Boatwright

JBulanday - Pilipino Star Ngayon
Sinimulan na ang naturalization process ni Boatwright
Bennie Boatwright, Jr.

MANILA, Philippines — Umarangkada na ang unang bahagi ng natura­li­­zation process ni Bennie Boatwright, Jr. bilang su­sunod na reinforcement ng Gilas Pilipinas sa interna­tional play.

Unang napaulat noong nakaraang linggo ang pag-naturalize kay Boatwright at ayon kay Gilas head coach Tim Cone ay nagsi­mu­la na ang proseso nito para lalong palakasin ang kanilang pool ng naturali­zed players.

“We already have an agreement and he has sub­mitted his papers. This could be a long process,” ani Tim Cone na head coach din ng Ginebra sa PBA matapos ang 87-77 panalo nila sa Philippine Cup kontra sa Magnolia sa Easter Sunday Manila Clasico.

Kagagaling lang ni Boatwright, naglalaro nga­yon sa Chinese Basketball Association, sa kampanya para sa San Miguel Beer sa kanilang PBA Commissioner’s Cup championship tampok ang inirehistrong 40.5 points, 12.5 rebounds at 4.0 assists.

Ang 27-anyos na si Boatwright ay produkto ng USC Trojans sa US NCAA bago maglaro sa NBA G-League, Mexico, Pilipinas at ngayon sa China.

Si Samahang Basket­bol ng Pilipinas (SBP) exe­cutive director at Gilas team manager Richard del Rosario ang nakatokang mag-ayos ng mga papales ni Boatwright bago ito pormal na masimulan ang proseso sa Kongreso.

Ang Kongreso, sa pa­mamagitan ng panukalang batas, ang magtatalakay sa naturalization ng sinumang manlalaro bago maipasa kay Pangulong Bongbong Marcos para sa kanyang pirma bago maging ganap na batas.

Ito rin ang pinagdaanan ng mga dating naturali­zed players ng Gilas na ma­aa­ring tumagal ng ilang buwan o taon.

Kung matutuloy ay sasamahan ni Boatwright sa lumalaking pool ng Gilas naturalized players sina Jus­tin Brownlee, Ange Kouame at Jordan Clarkson.

Hindi dumaan sa naturalization ang Fil-American ace na si Clarkson ng Utah Jazz sa NBA subalit kinukunsidera ng FIBA bilang na­turalized player.

Sina Marcus Douthit at Andray Blatche naman ang mga naging unang natura­lized players ng Gilas.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with