Smart AVC Beach Tour Nuvali Open hahataw sa Abril 4

MANILA, Philippines —  Babanderahan ng Team Philippines ang 45 pang tropang sasabak sa Smart Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa Nuvali Sand Courts sa Santa Rosa, Laguna.

Bukod sa Pilipinas, magsasali rin ng koponan ang Australia at New Zealand sa torneong magsisimula sa Huwebes.

Ang four-day event ay isa sa anim na international tournaments na pamamahalaan ng PNVF bago ang historic solo hosting ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025.

“The Philippines has become destination for both regional [Asia and Southeast Asia] and international volleyball competitions and we are proud of that distinction, especially because we are world championship host for the first time next year,” ani PNVF president Ramon “Tats” Suzara.

Mabibili na ang tiket para sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open na suportado ng PLDT at Santa Rosa City sa www.ticketmax.ph kung saan puwede ring makakuha ang mga beach volleyball fans ng P220 day pass.

Ito ang ikalawang major international tournament na idaraos ng PNVF at Nuvali Sand Courts ng Ayala Land matapos ang Volleyball World Beach Pro Tour Challenge noong Disyembre.

Pamamahalaan din ng PNVF at Nuvali ang Volleyball World Beach Pro Tour-Futures sa Abril 11 hanggang 14.

Isasabak ng Philippine team sa ilalim nina Brazilian coach Joao Luciano Kiodai at Mayi Molit-Prochina sina women’s pairs Gen Eslapor at Kly Orillaneda at Alexa Polidario at Jenny Gaviola sa main’s draw.

Lalahok din sina James Buytrago at Rancel Varga at sina Ranran Abdilla at AJ Pareja sa men’s main draw.

Show comments