^

PSN Palaro

5th straight win asam ng DLSU

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
5th straight win asam ng DLSU
Angel Canino.
UAAP

MANILA, Philippines — Misyon ng defending champions De La Salle University na ikadena ang pang-limang sunod na pa­nalo pagharap nila sa Far Eastern University sa UAAP Season 86 wo­men’s volleyball tournament ngayon sa Smart Ara­neta Co­liseum.

Solo sa second place sa team standings ang Lady Spikers tangan ang 6-1 karta at kakasahan ang Lady Tamaraws sa alas-4 ng hapon.

Sa alas-2 ng hapon naman ang salpukan sa pagitan ng Adamson University Lady Falcons at University of the East Lady Warriors.

Ibabangga ng La Salle  sina Angel Canino at She­va­na Laput upang makuha ang panalo at manatiling malakas ang tsansa sa pag­dedepensa ng titulo.

Sina Canino at Laput ang kumana sa opensa para sa Lady Spikers nang gilitan ang 2023 runner-up na National Univer­sity Lady Bulldogs katuwang sina Amie Provido at Alleiah Ma­laluan.

Sina Chenie Tagaod, Jean asis, Faida Bakanke at Gerzel Mary Petallo ang sasandalan ng Lady Tams na nasa pang-apat na silya hawak ang 4-3 card.

Samantala, pakay naman ng Lady Falcons na kalsuhan ang three-game losing skid nila para mapatibay ang kapit sa pang- limang puwesto.

May kartang 2-5 ang Adamson, habang bitbit ng Lady Warriors ang 1-6 baraha sa torneo.

DE LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with