POC masaya para kay Esteban

Maxine Esteban
Augusto Bizzi / FIE

MANILA, Philippines — Nakapasok sa Paris Olympics si Maxine Esteban ngunit hindi nito bibitbitin ang bandila ng Pilipinas.

Sa halip, kakatawanin nito ang Ivory Coast na siyang bagong federation ni Esteban sa mga international tournaments.

Gayunpaman, nagbi­gay pa rin ng magandang mensahe ang Philippine Olympic Committee (POC) kung saan itinuturing nitong mananatiling karangalan ng bansa si Esteban na purong Pinoy at produktong Pinoy.

Masaya si POC president Abraham “Bambol” Tolentino sa tagumpay ni Esteban at umaasa itong madadala nito ang kanyang winning form sa Paris Olympics.

“We in the POC are very happy that Maxine, our athlete, has qualified for the Paris Olympics. She may not be representing Team Philippines, but we are so happy for her,” ani Tolentino.

Umaasa ang POC na makakasungkit si Esteban ng gintong medalya sa Paris Olympics.

“So Maxine, do your best to win the gold,” ani Tolentino.

Pasok si Esteban sa women’s foil singles — ang bukod tanging slot na nakalaan sa African region.

Nagawa ito ni Esteban sa final Olympic qualifier na idinaos sa Washington DC.

“I’d like to thank my parents and my entire fa­mily for their support and for those who helped to make sure the door would be always open for me to continue chasing my dreams, like POC president Abraham Tolentino, who chose to extend a helping hand when I needed it the most,” ani Esteban.

Aminado si Tolentino na may kurot na masilayan si Esteban suot ang jersey ng ibang bansa. Subalit masaya ito na natupad ang pangarap ni Esteban na lumaro sa Olympics.

Show comments