BOSTON — Kumabig si Jaylen Brown ng 37 points, habang may 26 markers si Jayson Tatum para gabayan ang Celtics sa 127-112 pagpapalubog sa Phoenix Suns.
Ang Boston (52-14) ang unang koponang nakasikwat ng tiket sa postseason.
Umiskor si Al Horford ng 24 points, kasama ang anim sa kanilang season high-tying na 25 three-pointers para talunin ang Phoenix (38-28).
Ito ang ikaapat na sunod na pagkakataon na hindi naglaro si center Kristaps Porzingis dahil sa kanyang strained right hamstring
Humataw ang Celtics ng 37 points sa third quarter at tuluyan nang nakalayo sa Suns na nakahugot kay Devin Booker ng 23 points at may 22 at tig-20 markers sina Bradley Beal, Kevin Durant at Grayson Allen, ayon sa pagkakasunod.
Sa Oklahoma City, kumamada si Shai Gilgeous-Alexander ng 31 points sa 126-119 pagdaig ng Thunder (46-20) sa Dallas Mavericks (38-29).
Sa Milwaukee, kumolekta Giannis Antetokounmpo ng 32 points at 11 rebounds sa 114-105 paggupo ng Bucks (43-24) sa Joel Embiid-lessPhiladelphia 76ers (36-30).
Sa Chicago, kumonekta si Paul George ng anim na tres at tumapos na may 28 points kasunod ang 27 markers ni Kawhi Leonard sa 126-111 paglunod ng Los Angeles Clippers (42-23) sa Bulls (32-35).
Sa Houston, nagpasabog si Fil-Am guard Jalen Green ng season-high 37 points sa 135-119 pagbugbog ng Rockets (31-35) sa sa Wizards (11-55).