Banchero, Magic pinabagsak ang Brooklyn Nets

Hinabol ng supalpal ni Orlando Magic star forward Paolo Banchero ang layup ni Cam Thomas ng Brooklyn Nets.
STAR/File

ORLANDO —- Kumolekta si Paolo Banchero ng 21 points at 9 assists para tu­lungan ang Magic sa 114-106 pagpapatumba sa Brooklyn Nets.

Nagdagdag si Wendell Carter, Jr. ng 15 markers, 8 rebounds at 2 assists para sa Orlando (38-28).

Umiskor ng tig-14 points sina Frank Wagner at Jalen Suggs, habang may 13, 11 at 10 markers sina Gary Harris, Jonathan Isaac at Markelle Fultz, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni Cam Tho­mas ang Brooklyn (26-40) sa kanyang 21 points kasunod ang 17 markers ni Mikal Bridges at tig-13 points nina Dennis Schroeder at Cam Johnson.

Napababa ng Nets sa 90-98 ang kanilang double-digit deficit sa fourth period kasunod ang three-point shot ni Joe Ingles na mu­ling naglayo sa Magic sa 101-90 sa 7:14 minuto nito.

Sa Miami, umiskor si Mi­chael Porter Jr. ng 25 points, habang may 16 mar­kers si Aaron Gordon sa 100-88 paggupo ng nag­dedepensang Nuggets (46-20) sa Heat (35-30).

Sa Indianapolis, buma­nat si DeMar DeRozan ng 46 points, kasama ang go-ahead triple sa overtime, sa 132-129 pagsuwag ng Chi­cago Bulls (32-34) sa In­diana Pacers (37-30).

Sa Dallas, humakot si Lu­ka Doncic ng 21 points, 9 assists at 3 rebounds sa 109-99 paggupo ng Mave­ricks (38-28) sa Golden State Warriors (34-31).

Sa New Orleans, nagtala si Darius Garland ng 27 points at 11 assists sa 116-95 pagtusok ng Cleveland Cavaliers (42-24) sa Pelicans (39-26).

Sa Sacramento, tumipa si Domantas Sabonis ng triple-double na 17 points, 19 rebounds at 10 assists sa 120-107 pagpapabagsak ng Kings (38-27) sa Los Angeles Lakers (36-31).

Sa Portland, bumira si Anfernee Simons ng 36 points sa 106-102 pagtakas ng Trail Blazers (19-46) sa Atlanta Hawks (29-36).

Sa Detroit, nagposte si Jalen Duren ng career-high 23 rebounds bukod sa 24 points at 5 assists sa 113-104 pagpapasabog ng Pistons (12-53) sa Toronto Raptors (23-43).

Show comments