MANILA, Philippines – Personal na sinaksihan at binantayan ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Atty. Richard Clarin ang mga boxing tournament kamakailan sa Bohol upang tiyaking patas ang mga matchup at masiguro ang kaligtasan ng mga fighter na lumahok dito.
Mula weigh-in hanggang sa mismong fight night ay present si Chairman Clarin para matiyak ang kalidad ng mga bakbakan.
Kapwa nagwagi sa kani-kanilang laban sina Virgel Vitor at Reymark Tagacanao sa naturang PMI Bohol Boxing Stable promoted na Kumong Bol-Anon XIV boxing event sa Tagbilaran City.
Knockout kay Vitor ang Korean foe na si Taesun Kim sa 7th round para mabawi ang WBO Oriental super featherweight title, samantalang si Tagacanao ay nasikwat ang WBA Asia super flyweight title sa bisa ng 6th round knockout win kontra Hamson Lumandau ng Indonesia.
Panalo rin sa mga undercard bout sina Christian Balunan via second round KO kontra Clyde Azarcon; Sugarey Leonard Porres na panalo sa third round KO kay Jacklien Serenoso; Leonard Porres III na umiskor ng second round KO kay Jarel Escriber; Arlando Senoc na bumanat ng second round KO laban kay Norman Rusiana; at Richard Laspona na sumikwat ng first round TKO kay Raniel Alisoso.