Pacers pinigilan ang Thunder
OKLAHOMA CITY — Bumanat si center Myles Turner ng 24 points at naglista si star point guard Tyrese Haliburton ng 18 points at 12 assists sa 121-111 paggupo ng Indiana Pacers sa Thunder.
Humakot si forward Pascal Siakam ng 18 points at 11 rebounds para sa Indiana (37-39) na tinapos ang three-game winning streak ng Oklahoma City (45-20).
Inihulog ng Pacers ang Thunder sa pagtabla sa nagdedepensang Denver Nuggets sa top spot ng Western Conference standings.
Kumamada si star guard Shai Gilgeous-Alexander ng 30 points at 10 rebounds para sa OKC, habang may 18 at 15 markers sina Lu Dort at Chet Holmgren, ayon sa pagkakasunod.
Ipinoste ng Indiana ang 16-point lead, 56-40, sa halftime patungo sa pagtatala ng 115-109 bentahe sa huling 45.6 segundo sa fourth quarter.
Sa New York, nagsumite si guard Josh Hart ng triple-double na 20 points, 19 rebounds at 10 assists sa 106-79 pagmasaker ng Knicks (38-27) sa Joel Embiid-less Philadelphia 76ers (36-29).
Sa Los Angeles, humataw si Anthony Edwards ng 37 points at nag-ambag si Nickeil Alexander-Walker ng season-high 28 markers sa 118-100 pagpulutan ng Minnesota Timberwolves (45-21) sa Clippers (41-23).
Sa Salt Lake City, umiskor si forward Jayson Tatum ng 38 points, habang may 24 markers si point guard Derrick White sa 123-107 panalo ng Boston Cetics (51-14) sa Utah Jazz (28-37).
Sa Sacramento, bumira si playmaker De’Aaron Fox ng 29 points sa 129-94 paggupo ng Kings Kings (37-27) sa Milwaukee Bucks (42-24).
Sa Memphis, nagtala si Trey Jemison ng career-high 24 points sa 109-97 pagpapatumba ng Grizzlies (23-43) sa Washington Wizards (11-54).
Sa San Antonio, tumapos si point guard Fred VanVleet na may 21 points sa 103-101 paglusot ng Houston Rockets (30-35) sa Spurs (14-52).
- Latest