MANILA, Philippines — Tatayong paborito ang Cignal, nagwagi ng anim na kampeonato, sa Spikers’ Turf Open Conference na hahataw sa Miyerkules sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.
Ito ay sa kabila ng paglipat nina many-time MVP Marck Espejo, Ysay Marasigan at Manuel Sumanguid sa baguhang Criss Cross.
Ngunit kinuha ng Cignal sina Bryan Bagunas, Ronniel Rosales, Giles Torres, Madz Gampong, Nas Gwaza, Cian Silang at Vince Lorenzo para palakasin ang koponan.
“Actually, may chance na iyong ibang teams kasi nga marami ring players ang guma-graduate and iyong mga top teams napupuno. So iyong ibang mga players, kumakalat sa iba ibang teams so mas may chance ngayon,” ani VNS-Nasty head coach Ralph Ocampo.
Inaasahang magiging teams to beat ang Cignal at Criss Cross sa torneo.
“I respect all the coaches, they are good, lahat ng players magagaling iyan but ang basa ko diyan, they’re human and we’re human. They got mistakes and we got mistakes, so of course, mag-iingat lang sila lagi rin kasi lahat naman magagaling,” sabi ni Savouge Aesthetics coach Sammy Acaylar.
Sinabi naman ni PGJC-Navy head tactician George Pascua magiging bukas para sa lahat ng koponan ang agawan sa korona.