^

PSN Palaro

Batang Pier tinakasan ang Phoenix Fuel Masters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Batang Pier tinakasan ang Phoenix Fuel Masters
Pinanood na lamang ni Raul Soyud ng Phoe- nix Fuel Masters ang layup ni NorthPort Batang Pier rookie Zav Lucero.
PBA Image

MANILA, Philippines — Inilista ng NorthPort ang ikalawang dikit na pana­lo matapos gibain ang Phoenix, 124-120, sa PBA Season 48 Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagkadena si rokie forward Cade Flores ng 21 points at 12 rebounds para itaas sa 2-1 ang record ng Batang Pier.

Nagdagdag si rookie big man Zav Lucero ng 18 markers, habang may tig-17, 15, 13 at 11 points sina Jeff Chan, Joshua Munzon, Arvin Tolentino, Fran Yu at Paul Zamar, ayon sa pag­kakasunod.

Pinamunuan ni Jason Perkins ang Fuel Masters sa kanilang unang laro sa kanyang 28 points at may 19 markers si Tyler Tio bago nagkaroon ng left ankle injury sa fourth period.

Kaagad itinayo ng NorthPort ang 35-25 benta­he sa first period bago na­­kadikit ang Phoenix sa 36-38 mula sa isang 12-3 atake sa likodf ni Tio.

Muling nakalayo ang Ba­tang Pier sa 106-93 ga­ling sa three-point shot ni Lu­cero sa 7:08 minuto ng fourth quarter.

Sa pangunguna nina Perkins at Ricci Rivero ay nakalapit ang Fuel Masters sa 115-117 sa huling dalawang minuto ng nasabing yugto.

Huling nagbanta ang Phoenix sa 118-121 agwat matapos ang basket ni Ri­vero sa nalalabing 20.8 segundo.

Ang dalawang free throws ni Yu sa natitirang 17 segundo ang nagbigay sa NorthPort ng 123-118 bentahe.

Tumapos si RJ Jazul na may 15 points kasunod ang 13 markers ni Rivero para sa Fuel Masters.

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Barangay Ginebra at Rain or Shine kagabi habang isinusulat ito.

Samantala, magtutuos ang TNT Tropang Giga at Terrafirma ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang upakan ng NLEX at Converge sa alas-6:15 ng gabi sa Big Dome.

Target ng Dyip ang ikatlong sunod na panalo.

NORTHPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with