^

PSN Palaro

Jamili bumandera sa panalo ng Adamson sa UE

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Jamili bumandera sa panalo ng Adamson sa UE
Adamson's Barbie Jamili (2) had a big debut for the Lady Falcons
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Naging matatag ang Adamson University sa dikdikang labanan kaya naman nasikwat nila ang pangalawang panalo matapos pataubin ang University of the East, 25-19, 25-19, 26-28, 29-27 sa elimination round ng UAAP Season 86 women’s volleyball tournament na kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nabigyan ng pagkakataon si Barbie Jamili na ipakita ang kanyang husay kaya naman nagpasalamat ito sa kanyang coach.

Kumana si Jamili ng 20 points mula sa 18 attacks at 2 blocks bukod sa 12 excellent digs upang ilista ng Lady Falcons ang 2-2 karta at manatiling malaki ang tsansa sa asam na makapasok sa Final Four.

“Thank you po kay coach kasi binigyan niya ako ng chance para maka­tulong sa team. Thank you po sa patience,” sabi ni Jamili kay Adamson head coach JP Yude.

Nakahirit ng fourth set ang Lady Warriors matapos ang pahirapang panalo nila sa set 3, 28-26.

Pero hindi nagpabaya ang San Marcelino-based squad kaya tinuka ang mahirap na 29-27 panalo sa fouth frame.

“Sobrang intense iyong game pati ako nadadala na but still good job to my players, ginawa nila lahat para manalo at hindi nila binitawan especially iyong last set,” wika ni Yude.

Nalasap ng Lady Warriors ang pangatlong pagkatalo sa apat na laro.

Pakay ng Adamson na itarak ang unang winning streak sa pagsagupa nila sa Far Eastern Universi­ty sa alas-4 ng hapon sa Sa­bado sa MOA Arena.

Haharapin naman ng UE ang nagdedepensang De La Salle University sa alas-2 ng hapon.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with