Clarin suportado ang Rafa & Jun Promotions
MANILA, Philippines — Tinanggap ni Games and Amusements Board (GAB) chairman Atty. Richard S. Clarin ang ang boxing promotions na Rafa & Jun Promotions ni Atty. Rafael Dela Cruz sa kanyang opisina sa Makati City.
Buong suporta ang ipinangako ni Clarin sa bagong boxing promotions para matulungan ang mga boxers at promoter sa Bulacan sa pagsasagawa ng annual gym inspections, training seminars para sa boxers at trainers at pagdaraos ng mga health programs.
Pinuri naman ng Rafa & Jun Promotions ang mga programa ni Clarin na malaki ang naitutulong sa industriya ng boksing.
“R&J Promotion commended the GAB and its 3xPRO advocacy to promote, professionalize, and protect Philippine boxing. Together with other promoters in the country, they hope to discover future boxing world champions,” ayon sa pahayag ng GAB.
- Latest