MANILA, Philippines – Kinumpirma kahapon ni Manny Pacquiao ng MP Promotions ang pagsagupa ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial kay super middleweight Thai fighter Thoedsak Sinam sa Marso 23 sa Ninoy Aquino Stadium.
Ito ang magiging unang laban ni Marcial sa harap ng kanyang mga Pinoy fans bago sumabak sa 2024 Paris Olympics na nakatakda sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11.
“Just like the rest of many Filipinos around the country, I’m very excited to spearhead a fight for Eumir here in the Philippines so everybody will get a chance to see him fight before the Paris Olympics,” sabi ni Pacquiao.
Kasalukuyang nagsasanay si Marcial (4-0-0, 2 knockouts) sa Las Vegas, Nevada sa ilalim ni coach Kay Koroma na gumabay sa ilang amateur boxers sa Olympics simula noong 2016 Rio games.
Sinabi ni MP Promotions president Sean Gibbons na kailangang mag-ingat si Marcial kay Sinam (23-13-0, 19 KOs).
“It’s going to be a great fight, a great treat for the Filipino fans as Eumir Felix Marcial will be fighting for the hometown crowd,” ani Gibbons.
Inaasahang manonood sa laban sina Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, Philippine Sports Commission (PSC) chairman Dicky Bachmann, PSC Commissioners Walter Torres, Fritz Gaston, Olivia Bong Coo at Edward Hayco at Executive Director Paolo Tatad.
“We are so thankful to these people for making this fight a possibility and for helping not only Marcial but also the rest of the other Filipino athletes to achieve their dreams,” dagdag ni Gibbons. “The POC and the PSC salute to them for helping the athletes like Eumir.”
Matapos ang laban kay Sinam ay muling babalik si Marcial sa US para ipagpatuloy ang kanyang training para sa Paris Olympics.