Lakers sinapawan ng Suns

Umere si Suns forward Kevin Durant laban kay La kers guard D’Angelo Russell para sa kanyang layup.
STAR/ File

PHOENIX— Bumanat si Grayson Allen ng 24 points habang may 22 markers si Kevin Durant para gabayan ang Suns sa 123-113 pagpapasikat sa Los Angeles Lakers.

Humakot si center Jusuf Nurkic ng 18 points, 22 rebounds at 7 assists para sa Phoenix (34-24) na nakakuha kina Devin Booker at Royce O’Neale ng 21 at 20 markers, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni LeBron James ang Los Angeles (31-28) sa kanyang 28 points at 12 assists at humakot si Anthony Davis ng 22 points at 14 rebounds.

Bumangon ang Lakers mula sa isang 20-point deficit sa dulo ng first quarter at nakadikit sa 90-92 agwat bago matapos ang third quarter.

Umiskor naman ang Suns ng anim na sunod na puntos patungo sa kanilang panalo para tapusin ang two-game losing skid.

Sa San Francisco, inilista ni Nikola Jokic ang 32 points, 16 rebounds at 16 assists para sa kanyang ikatlong sunod na triple-double at ika-18 sa season sa 119-103 paggupo ng nagdedepensang Denver Nuggets (39-19) sa Golden State Warriors (29-27).

Sa Houston, kumana si Shai Gilgeous-Alexander ng 36 points at may 29 markers si Chet Holmgren sa 123-110 panalo ng Oklahoma City Thunder (40-17) sa Rockets (25-32).

Sa Philadelphia, huma­taw si Giannis Anteto­kounmpo ng 30 points sa 119-98 pagsuwag ng Milwaukee Bucks (37-21) sa 76ers (33-24).

Show comments