MANILA, Philippines — Sa pagkakaroon nina Kianna Dy at Mika Reyes ng injury ay inaasahang si Fil-Canadian Savi Davison ang babandera sa PLDT Home Fibr sa 2024 PVL All-Filipino Conference.
Bumanat si Davison ng game-high 19 points mula sa 16 attacks, 2 blocks at 1 ace sa 25-22, 25-6, 25-9 paggupo ng High Speed Hitters sa Galeries Tower sa kanilang unang laro.
“I’m just super excited to start this season with the people we have on the court. And I think being that go-to person, that is my goal. So, I’m very happy with the outcome,” ani Davison.
Target ang ikalawang sunod na panalo para sumosyo sa liderato, lalabanan ng PLDT ang Nxled ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang salpukan ng Choco Mucho at Petro Gazz sa alas-6 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.
Nagmula ang Chameleons sa 12-25, 22-25, 18-25 kabiguan sa Flying Titans.
Solo ng Chery Tiggo ang liderato hawak ang 2-0 baraha kasunod ang PLDT (1-), nagdedepensang Creamline (1-0), Petro Gazz (1-0), Choco Mucho (1-0), Cignal (1-0), Farm Fresh (0-1), Akari (0-1), Nxled (0-1), SGA (0-1), Capital1 (0-1) at Galeries Tower (0-1).
Bukod kay Savison, muli ring aasahan ng High Speed Hitters ang mga bagong hugot na sina Kim Fajardo, Majoy Baron, Shiela Kiseo at Kiesha Bedonia.
Sina Ivy Lacsina, Krich Macaslang, Jhoana Maraguinot, Chiara Permentilla at Lycha Ebon ang babandera para sa Chameleons.
Kagaya ng PLDT, puntirya rin ng Choco Mucho at Petro Gazz ang pagsosyo sa Chery Tiggo sa itaas ng team standings