Lady Falcons kinaldag ang Lady Maroons
MANILA, Philippines — University ang unang panalo sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament matapos pagpagin ang University of the Philippine, 25-22, 25-22, 28-26 na nilaro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.
Nilista ni Ishie Lalongisip ang 12 points, 16 digs at pitong receptions upang tulungan ang Lady Falcons na ilipad ang 1-1 karta.
Kahit winalis ng Lady Falcons ang Lady Maroons sa tatlong sets ay napahirapan pa rin ang Adamson na tukain ang panalo.
Nakitaan ng angas ang Lady Maroons matapos humabol mula sa 14-21 pagkalubog sa second frame, nagsanib puwersa sina Irah Jaboneta at Niña Ytang para ibaba sa dalawa, 22-24 ang kanilang hinahabol.
Pero naging matatag si Lalongisip, hindi ito pumayag at pinangunahan ang Lady Falcons upang makuha ang panalo at mamuro papasok ng third frame.
“Pinagplanuhan po namin itong game namin para dito kami kukuha ng kumpiyansa para sa mga next games namin. Alam po namin na marami pa kaming maipapakita sa next games,” pahayag ni Lalongisip.
Nalasap ng Lady Maroons ang pangalawang sunod na talo, nasa ilalim sila ng team standings tangan ang 0-2 karta.
Tumikada rin si May Ann Nuique ng 12 markers para sa Adamson.
- Latest