MANILA, Philippines — Isa lang ang layunin ni Jerwin Ancajas.
Ito ay ang muling maging isang world boxing champion sa mas mabigat na weight division.
“I want to bring home the crown. I want to be world champion again,” sabi ni Ancajas sa kanyang paghahamon kay Japanese World Boxing Association (WBA) bantamweight titlist Takuma Inoue ngayong gabi sa Kokugigan Arena sa Tokyo, Japan.
Siyam na beses naidepensa ni Ancajas (34-3-2, 23 knockouts) ang dating bitbit na suot na International Boxing Federation (IBF) super flyweight crown bago umakyat sa bantamweight class.
Ito naman ang unang pagdedepensa ni Inoue (18-1-0, 4 KOs) sa kanyang hawak na WBA belt.
Sa kanilang muling pagkikita sa official weigh-in kahapon ay nagtala ang 32-anyos na si Ancajas at ang 28-anyos na si Inoue na magkatulad na 117 3/4 pounds.
Swak ito sa weight limit na 118 pounds.
Bukod kay Ancajas, lalaban din si Pinoy fighter Jonas Sultan (19-6-0, 11 KOs) katapat si Japanese prospect Riku Masuda (3-1-0, 3 KOs) sa undercard.
May magkapareho ring sukat na 117 3/4 pounds sina Sultan at Masuda para sa kanilang eight-round, non-title bantamewight bout.