Curry napasama sa NBA history

SAN FRANCISCO — Humataw si Stephen Curry ng 32 points tampok ang anim na three-point shots para pamunuan ang Golden State Warriors sa 128-110 paggupo sa La­kers.

May walong assists din si Curry para sa kanyang pang-6,000 career assist.

Siya ang naging ika-wa­long player sa NBA history na tumipa ng 23,000 points at 6,000 assists bukod kina LeBron James, Russell Westbrook, Kobe Bryant, James Harden, Oscar Ro­bert­son, Jerry West at John Havlicek.

Nag-ambag si Andrew Wiggins ng 20 points para sa Golden State (28-26) kasunod ang 12 markers ni Jonathan Kuminga.

Hindi naman naglaro si James sa panig ng Los Angeles na nakahugot kay Anthony Davis ng 27 points at 15 rebounds, samantalang nag­dag­dag si D’Angelo Russell ng 18 points, 9 assists at 5 re­­bounds.

Sa Sacramento, humakot si Domantas Sabonis ng 22 points, 11 assists at 11 rebounds para sa kanyang NBA-leading 19th triple-double sa 127-122 panalo ng Kings (32-23) sa San Antonio Spurs (11-45).

Sa Denver, kumolekta si Nikola Jokic ng triple-double na 21 points, 19 boards at 15 assists sa 130-110 paggupo ng nagdedepensang Nuggets (37-19) sa Wa­shington Wizards (9-46).

Show comments