MANILA, Philippines — Binisita ni Commission on Higher Education (CHED) Sports Project Head at dancesport national champion coach Ana Dulce Yango si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Atty. Richard S. Clarin sa Games and Amusements Board Central Office sa Makati City.
Tinalakay nina Yango at Clarin ang kanilang pagtutulungan para mai-promote, professionalize at protektahan ang mga student-athletes ng bansa na bahagi rin ng ‘3xPRO’ advocacy ng GAB chairman.
Inilahad ni Yango kay Clarin ang mga valuable insights sa sports coaching certifications, importansiya ng sports communication at ang mga inisyatibo ng CHED para maipakilala sa mga student-athlete ang komprehensibo at holistic sports development program na suportado naman ng pinuno ng GAB.