Obiena wagi sa Gasparac meet

EJ Obiena
STAR/File

MANILA, Philippines — Nilundag ni World No. 2 pole vaulter EJ Obiena ang kanyang unang gold medal ngayong 2024 sa pag­hahari sa Memorial Josip Gasparac sa Osijek, Croatia.

Ipinoste ng 27-anyos na si Obiena ang 5.84 meters para sapawan sina Ped­ro Buaro ng Portugal (5.73m) at Olen Tray Oates ng United States (5.61m).

Sinira ni Obiena ang 5.72m ni Greek Olympian Emmanouil Karalis na naitala noong 2023.

“Indoor season finally kicked off. 5.83 for the win here @osijekmeeting,” wika ng 6-foot-2 pole vaul­ter. “Thank you for having us and putting on a great at­mos­phere.”

Nakuha ni Obiena ang 5.83m mark sa una niyang pagtatangka bago sinubukan ang 5.93m.

Ang Gasparac meet ay isa sa mga torneong ginagamit ni Obie­na bilang preparasyon sa 2024 Olympic Games sa Paris.

Matapos ang Croatia meet ay sasabak ang Phi­lippine Sportswriters As­so­ciation (PSA) Athlete of the Year sa ISTAF Berlin bukas kasunod ang biga­ting World Athle­tics Indoor Championships sa Marso.

Show comments