^

PSN Palaro

Diaz sasalang sa Thailand event

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang lumahok si Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz sa isang torneo sa Phuket, Thailand sa Abril 3.

Ito ay kasama sa kanyang preparasyon para sa inaasahang paglahok niya sa 2024 Paris Olympics na nakaiskedyul sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11.

Kasalukuyang nakaupo ang tubong Zamboanga City sa No. 7 sa IWF Olympic Qualifying Rankings.

At kailangan niyang ma­natili sa Top 10 matapos ang pinakahuling qualifier sa Thailand para sa kanyang pang-limang sunod na Olympic stint.

“Gold ang goal, siyem­pre,” sabi ni Diaz na ipinag­diwang ang kanyang ika-33 kaarawan noong Pebrero 20.

Nauna nang nakapag­bul­sa ng tiket sa Paris Games sina World No. 2 pole vaulter EJ Obiena, bo­xer Eu­mir Felix Marcial at gymnasts Caloy Yulo at Aleah Finnegan.

Inaasahang may mga Pi­noy athletes pang makakakuha ng Olympic berth.

TOKYO OLYMPIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with