June Mar nanguna sa PBA MVP derby

MANILA, Philippines — Nasikwat ni June Mar Fajardo ng San Miguel Beer ang unahan sa PBA MVP race, habang liyama­do si Ste­­phen Holt ng Terrafirma sa Rookie of the Year award ma­tapos ang Season 48 Commissio­ner’s Cup.

Nakakolekta ang se­ven-time MVP ng 40.9 sta­tistical points (SPs) sa li­kod ng kanyang 16.2 points, league-best 2.0 rebounds, 2.3 blocks at 1.1 steals.

Nahuhuli pa si Fajardo dahil sa hand injury sa ka­rera mula sa elimination round hanggang semifinals nang ma­kapaglaro lang ng siyam mula sa 15 games para sa 60% games played a malayo sa required na 70% upang maging eligible sa individual award.

Subalit nakahabol si Fa­jardo sa finals nang su­malang sa anim na laro tu­ngo sa 4-2 series win ng SMB kontra sa Magnolia para maaabot ang 70% na requirement at maging eligible sa MVP derby.

Nakabuntot si Christian Standhardinger ng Barangay Ginebra na naglista ng 35.7 SPs sa likod ng 16.5 points, 9.9 rebounds at 5.0 assists na average.

Nakasunod naman si­na Commissio­ner’s Cup BPC CJ Perez (35.4 SPs) ng SMB at Arvin Tolentino (35.1 SPs) ng NorthPort.

Show comments