MANILA, Philippines — Sisipa ang inaugural 7s Super League tampok ang pitong koponan sa Marso 10 sa McKinley Stadium sa Taguig City.
Ang mga mag-aagawan sa tropeo ng nasabing revolutionary football league ay ang Alabang South Supers, BGC Soldiers, Pampanga Strikers, Parañaque Super Nets, Quezon City Heroes, Siniloan GOM Blues at Pasig City Pirates.
“This will be a game-changer for football in the Philippines,” ani Anton del Rosario, ang CEO at Founder ng 7x7 Football Philippines. “The unique format, combined with the caliber of players involved, promises to deliver an unforgettable football experience.”
Ang 7s Super League ay isang naiibang seven-a-side format na nagpapakilala sa fast-paced at dynamic style ng football.
Inaasahang mas magiging maaksyon ang bawat laro sa pagitan ng pitong lite teams na binubuo ng mga top-tier football talents mula sa Metro Manila at mga probinsya.
Makikita sa liga ang mga local at international players.
Ang 7s Super League ay suportado ng AIA Philippines na isang longstanding sponsor ng 7s Football League.