Spurs itinumba ng Mavs

Tinirahan ni Kyrie Irving ng Mavericks si Blake Wesley ng Spurs.

DALLAS — Kumolekta si Kyrie Irving ng 34 points at may 27 markers si Luka Doncic bago iwanan ang fourth period sa 116-93 pagpapatumba ng Mavericks sa San Antonio Spurs.

Ito ang huling laro ng Dallas (32-23) at San Antonio (11-44) bago ang NBA All-Star break kung saan nasa six-game winning streak ngayon ang Mavericks habang laglag sa kanilang pang-walong kabiguan ang Spurs sa huling siyam na laro.

Nagtala si Doncic ng 9 rebounds at 8 assists at hindi na bumalik sa laro matapos sumakit ang leeg.

Bumangon ang Dallas mula sa 15-point deficit sa first half para iposte ang 29-point lead sa fourth quarter.

Kumana si 7-foot-4 rookie Victor Wembanyama ng 26 points sa panig ng San Antonio.

Sa Orlando, umiskor si Paolo Banchero ng 36 points habang may 21 markers si Franz Wagner sa 118-100 panalo ng Magic (30-25) sa New York Knicks (33-22).

Sa Philadelphia, nagkadena si Bam Adebayo ng 23 points at 14 rebounds sa 109-104 pagtakas ng Miami Heat (30-25) sa 76ers (32-22).

Show comments