Nuggets tinapos ang winning run ng Lakers

Naghanap si Nuggets star Nikola Jokic ng mapapasa- han matapos makorner ni Anthony Davis ng Lakers.
STAR/ File

LOS ANGELES - Nagsalpak si Jamal Murray ng 29 points at may 27 mar­kers si Michael Porter Jr. sa 114-106 paggupo ng nagdedepensang Denver Nuggets sa Lakers.

Tinapos ng Denver (36-16) ang three-game winning streak ng Los Angeles (27-26).

Humakot si Nikola Jokic ng 24 points, 13 rebounds at 9 assists para sa Nuggets na binuksan ang isang three-game road trip sa ka­nilang ikatlong sunod na panalo at pang-walo sa huling 10 laro.

Bumanat si Anthony Da­vis ng 32 points at may 25 markers, 9 rebounds at 7 assists si LeBron James, habang nag-ambag si Austin Reaves ng 15 points sa panig ng Lakers.

Isinuko ng Denver ang hawak na 15-point lead sa second half, ngunit tinapos ang Los Angeles sa isang 10-2 atake para sa kanilang panalo.

Tatlong oras bago ag laro ay inilunsad ng La­kers ang isang 19-foot-tall bronze statue ni Kobe Bryant sa downtown arena.

Naglaro ang Lakers su­ot ang kanilang Black Mamba alternate uniforms

Sa Indianapolis, pumukol si Stephen Curry ng season-high 11 triples para sa 42 points sa 131-109 panalo ng Golde State Warriors (24-25) sa Indiana Pacers (29-24).

Sa New York, naglambat si Luka Doncic ng 39 points, 11 assists at 8 rebounds sa 122-108 pagda­ig ng Dallas Mavericks (29-23) sa Knicks (33-19).

Sa New York, kumana si Donovan Mitchell ng 27 points para igiya ang Cleveland Cavaliers (34-16) sa 118-95 paggiba sa Brooklyn Nets (20-31).

Sa Milwaukee, tumipa si Anthony Edwards ng 26 points sa 129-105 pagpulutan ng Minnesota Timberwolves (36-16) sa Bucks (33-19).

Show comments