Yulo nag-enjoy sa pamamasyal sa Korea
MANILA, Philippines — Nabigyan ng pagkakataon na makapagpahinga si world champion Carlos Edriel Yulo matapos ang pukpukang ensayo na pinagdaanan nito sa South Korea.
Sumalang sa dalawanng linggong training camp si Yulo sa South Korea kasama ang mga mahuhusay na coaches at ilang South Korean gymnasts na masisilayan din sa Paris Olympics.
Ang naturang camp ni Yulo ay bahagi ng paghahanda nito sa Paris Olympics kung saan pakay nitong makasikwat ng gintong medalya.
Matapos ang two-week camp ay nagawang makapasyal ni Yulo sa ilang magagandang lugar sa South Korea.
Isa sa mga pinuntahan nito ang capital city na Seoul na kilalang kilala sa buong mundo dahil sa K-Pop at K-Drama na kinagigiliwan din ng mga Pinoy.
Hindi rin nito nakalimutan na magpasalamat sa South Korean national team na nakasama nito.
“Thank you very much KOR national team for accommodating us, team PHI (sorry we don’t have any pictures),” ani Yulo.
- Latest