^

PSN Palaro

Suns pinasikatan ang Bucks

Pilipino Star Ngayon

PHOENIX — Nagbagsak si Devin Booker ng 32 points, habang may 28 markers si Kevin Durant sa 114-106 pagpapasikat ng Suns sa Milwaukee Bucks.

Kumolekta naman si Bradley Beal ng 25 points at 10 rebounds para sa Phoenix (30-21).

Binanderahan ni Giannis Antetokounmpo ang Milwaukee (33-18) sa kanyang 34 points at 10 rebounds at may 22 markers si Malik Beasley.

Kinuha ng Suns ang 79-73 kalamangan papasok sa fourth quarter, samantalang ang dunk ni Durant na may kasama pang foul ang nagbaon sa Bucks sa 93-80 sa 8:51 minuto nito.

Naglaro ang Milwaukee na wala sina star guard Da­mian Lillard (sprained ankle) at starting center Brook Lopez (personal reasons), habang nagkaroon si forward Khris Middleton ng sprained ankle sa first period.

Sa Miami, nagposte si Jimmy Butler ng 23 points, 8 rebounds, 8 assists at 3 steals sa 121-95 pagsunog ng Heat (27-24) sa Orlando Magic (27-24).

Sa Salt Lake City, humataw si Lauri Markkanen ng 33 points at 11 rebounds sa 124-117 pagsapaw ng Utah Jazz (26-26) sa Oklahoma City Thunder (35-16).

Sa New York, umiskor si Donte DiVincenzo ng 32 points sa 123-113 pagpapatumba ng Knicks (33-18) sa Memphis Grizzlies (18-33).

DEVIN BOOKER

KEVIN DURAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with