P100k multa kay Abueva sa pag-insulto kay gallent

3-0 lead ibabalandra ng beermen kontra hotshots
MANILA, Philippines — Kagaya ng dapat asahan, may katapat na parusa ang panggagaya ni Magnolia forward Calvin Abueva sa physical disability ni San Miguel coach Jorge Gallent.
Kahapon ay pinagmulta ng PBA Commissioner’s Office si Abueva ng P100,000 dahil sa pang-iinsulto kay Gallent sa Game Two ng Season 48 PBA Commissioner’s Cup Finals noong Linggo sa MOA Arena sa Pasay City.
Nakasaad sa league rule na “any person who offends the dignity of any person on account of a ‘physical disability’ shall be subject to a fine not lower than P100,000.”
Ipinatawag ni PBA Commissioner Willie Marcial ang 36-anyos na si Abueva at ang Fil-Tongan na si Mo Tautuaa.
Ito ay matapos mag-viral ang sigawan nina Abueva at asawa ni Tautuaa na si Aida sa hallway ng MOA matapos ang laro.

Sa isang punto ay hinamon ng 6-foot-2 na si Abueva ng suntukan ang 6’8 na si Tautuaa na nakagirian niya sa fourth quarter.
“Abueva apologized to the PBA and to Tautuaa and his wife. Nagkausap at nagkaayos na sila,” ani Marcial.
Sinabi ni Marcial na humingi na ng tawad ang tinaguriang ‘The Beast’ kay Gallent.
Tinanggap naman ito ng San Miguel coach.
Hawak ang 2-0 lead sa kanilang best-of-seven championship series, lalabanan ng Beermen ang Hotshots ngayong alas-7:30 ng gabi sa Game Three sa Smart Araneta Coliseum.
Tinalo ng San Miguel ang Magnolia sa Game One, 103-95, at sa Game Two, 109-85, para lumapit sa inaasam na ika-29 PBA championship.
“The sweep is not even on our minds. Our team is thinking how to get four games,” sabi ni Gallent.
- Latest