San Miguel nilasing muli ang Magnolia

Ang mala- pader na depensa ni Magnolia im- port Tyler Bey kay Bennie Boatwright, Jr. ng SMB sa Game 2.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines  — Muling pinatumba ng San Miguel ang Magnolia, 109-85, sa Game Two ng Season 48 PBA Commis­sioner’s Cup Finals kaha­pon sa MOA Arena sa Pa­say City.

Ipinoste ng Beermen ang 2-0 bentahe sa ka­n­i­lang best-of-seven championship series ng Hotshots na nauna nilang giniba sa Game One, 103-95.

Humakot si import Bennie Boatwright, Jr. ng 34 points, 10 rebounds at 5 assists at may 20 at 19 mar­kers sina CJ Perez at seven-time MVP June Mar Fajardo, ayon sa pagkakasunod.

Mula sa 31-25 abante sa first period ay kumama­da ang San Miguel ng 8-0 atake para iwanan ang Magnolia sa 39-25 sa pagsisimula ng second quarter patungo sa pagtatala ng 54-36 abante.

Lalo pang umarangka­da ang Beermen sa third canto nang magtayo ng isang 28--point lead, 72-44, mula sa jumper ni Marco Lassiter sa 5:17 minuto nito.

Ilang beses nagtangkang humabol ng Hotshots sa fourth period kagaya ng kanilang ginawang pagresbak sa Beermen sa Game One.

Huling nagbanta ang Mag­nolia sa 69-86 sa likod nina import Tyler Bey at Paul Lee sa 8:01 minuto ng laro.

Ngunit muling nagtu­wang sina Boatwright, Pe­rez, Fajardo at Jericho Cruz para mu­ling ilayo ang San Miguel sa 100-77 sa huling 3:39 minuto.

Show comments